ANTONG FALLS BUKAS PARA SA MGA FULLY VACCINATED NA RESIDENTE LAMANG NG SISON

16
SISON, PANGASINAN – Bukas ang tourist spot na Antong falls sa bayan ng Sison para lamang sa mga residente nitong fully vaccinated na nagsimula kahapon ika-11 ng Enero.
Ito ay bahagi ng pinaigting na hakbang ng Municipal IATF upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 sa nasabing bayan.
Samantala, umiiral na din sa bayan ang liquor ban kung saan ipinagbabawal na ang pagbebenta at pag-inom ng mga nakakalasing na inumin sa mga pampublikong lugar.

Epektibo ang nasabing kautusan kahapon hanggang sa katapusan ngayong buwan ng Enero. | ifmnews
Facebook Comments