Comelec nagbabala vs ‘epal’ na mga kandidato sa Barangay at SK Elections

Muling hinihikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang publiko na huwag suportahan at iboto ang mga kandidato na hindi susunod sa mga inilatag nilang patakaran.

Ito’y may kaugnayan Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

This slideshow requires JavaScript.


Sa isinagawang kick-off ceremony sa pagsisimula ng Election Period sa Kartilya ng Katipunan, sinabi ni Garcia na ang mga ganitong uri ng kandidato ay hindi nararapat na magkaroon ng anumang pwesto sa gobyerno.

Aniya, kung sa simpleng patakaran ay hindi makasunod ang mga ito, paano pa kung sila ay maupo sa pwesto.

Sinabi pa ni Garcia, hindi nila palalampasin ang mga lalabag sa premature campaigning lalo na kung ang isang kandidato ay nakapaghain na ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

Kabilang dito ang mga nakapaskil na mga tarpaulin at mga naka-post sa social media.

Muli rin paalala ng Comelec sa mga maghahain ng COC na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasama ng mga supporters.

Facebook Comments