Ngayong tapos na ang Filing of Certificates of Candidacy o COC’s, nanawagan muli ang Commission on Elections o COMELEC Provincial Office sa mga kandidato at kanilang supporters na gawing mapayapa ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14, 2018.
Ang panawagan ay mula mismo kay Atty. Duque Kadatuan, Provincial Election Supervisor kasabay ang apela sa iba pang sektor na tumulong upang matiyak ang katahimikan sa panahon ng halalan. Nitong April 14-21, 2018 ay isinagawa ang filing of COC’s at pinalawig pa ng isang araw ang filing para sa SK sa layuning makalahok ang mas maraming kabataang nagkaka-edad ng 18-24 bago sumapit o sa mismong araw ng halalan sa May 14, 2018.
Kaugnay nito, hinimok rin ng COMELEC ang mga kakandidato na manatili silang independent at huwag didikit sa mga pulitiko at sundin ang iba pang itinatakda ng COMELEC Resolution 10246 kung saan nakasaad ang mga prohibited acts.
Gagawin naman ang campaign period mula May 4-12, 2018 o katumbas ng siyam na araw na pangangampanya bago pa man ang halalan sa May 14, 2018.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang COMELEC Provincial Office sa pakikipag-ugnayan sa Cot Police Provincial Office o CPPO at mga Municipal Police Stations ganundin sa Armed Forces of the Philippines at Dept of Interior and Local Government o DILG para matiyak ang mapayapa at makatotohanang halalan.(Report from Jessie Ali)
Comelec sa North Cotabato nanawagan ng mapayapang halalan
Facebook Comments