Nakahanda na rin ang mga iba pang kakailanganin kagaya ng medical tent na naka-set up sa loob ng campus kung sakaling may examinees, proctor at iba pang indibidwal na nasa loob ng testing centers na mangangailangan ng atensiyong medikal.
Bukod dito, may nakahanda rin na isang ambulansya kung sakaling kailangan.
Naglaan din ng espasyo para sa Prayer Corner sa harap ng CSU gate na kung saan maaaring mag-alay ng dasal ang mga examinee bago pumasok ng Unibersidad.
Inaasahan naman na alas-kwatro pa lang ng madaling araw bukas ay mayroon ng darating ng mga examinee kaya’t alas-tres pa lang ay magtutungo na ang mga tauhan ng CDRRMC sa Command Post katuwang ang PNP Tuguegarao City para magbantay at asikasuhin ang mga maagang darating na magsusulit.