COMMUNITY-BASED PROGRAMS SA SAN QUINTIN, PINALALAKAS

Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Understanding ang lokal na pamahalaan ng San Quintin katuwang ang isang unibersidad sa Baguio City sa hangarin na mapalakas pa ang pagpapatupad ng mga community-based programs sa bayan.

Ayon sa tanggapan, layunin ng kasunduan na magtatag ng ugnayan para sa pagsasanay ng mga day care workers at palakasin ang mga community-based programs na tumutugon sa Sustainable Development Goals (SDGs) para sa mga residente.

Buo ang suporta ng dalawang tanggapan sa mas pinahusay na programang pangkomunidad at edukasyon para sa San Quintin.

Matatandaan, na kauna-unahang bayan ang San Quintin sa Region 1 na nagkusang bayaran ang kontribusyon ng mga barangay health workers at ilang CVOs upang palakasin ang kanilang inisyatiba sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno sa mga lokalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments