Pinangunahan ng Pangasinan PPO ang isang community outreach program para sa Indigenous Peoples na naglalayong ipadama ang diwa ng kapaskuhan magbigay ng serbisyo para mga napiling benepisyaryo.
Katuwang ng kapulisan ang Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development, Provincial Medical and Dental Unit, Local Government Unit of Aguilar, Department of the Interior and Local Government, Laoag Barangay Officials and other stakeholders at Sitio Mapita, Brgy. Laoag, Aguilar, Pangasinan ang pagsagawa nasabing Community Outreach.
Naglalayon ang aktibidad na isaalang-alang ang kapakanan ng IP community na siyang itinuturing na vulnerable sector mula sa pagsasamantala at manipulasyon ng CPP-NPA Terrorist (CNT). Gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng PNP at IP community bilang suporta sa Executive Order ng Gobyerno. No. 70 (NTF-ELCAC).
Naipamahagi ang mga grocery packs at meryenda sa 250 miyembro ng sambahayan kabilang ang 50 mag-aaral na nakatanggap din ng mga pakete ng goodies para sa OPLAN Bisita Eskwela I am Strong (OPLAN BES).
Handog din ang serbisyong medikal at dental mula sa libreng tooth extraction, dental fluoride, blood pressure monitoring at distribution ng reading glasses na pinangangasiwaan ng PNP Provincial Medical and Dental Unit.
Samantala, naging matagumpay naman ang kinahinatnan ng isinagawang programa para sa Indigenous Community. |ifmnews
Facebook Comments