
Naaresto ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station ang isang 34 anyos na construction worker na wanted sa kasong rape, pasado 7:34 PM noong December 8, 2025.
Kinilala ang akusado bilang isang binata at residente ng San Carlos City, Pangasinan.
Inaresto siya sa bisa ng isang Warrant of Arrest kaugnay ng kasong nakasampa kung saan walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa kustodiya ng San Carlos City Police Station para sa tamang dokumentasyon at karampatang disposisyon alinsunod sa utos ng korte.
Patuloy na pinaigting ng pulisya ang kampanya kontra kriminalidad at pagtugis sa mga wanted persons upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









