Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magbibigay ng bonus para sa mga job order at kontraktwal na manggagawa sa gobyerno.
Batay sa Administrative Order 20 na nilagdaan ni Duterte, tatanggap ng “gratuity pay” na hindi bababa sa P3,000 ang mga naturang empleyadong naninilbihan sa gobyerno ng apat na buwan pataas at nagsimula noong Disyembre 15, 2019.
Ang mga manggagawa na hindi nakabuo ng apat na buwang serbisyo sa pamahalaan ay makakuha ng P1,000 hanggang P2,000 na bonus.
Nakasaad sa dokumento na dapat bigyan ng gratuity pay ang mga contractual workers bilang pagkilala sa kanilang kasipagan.
Pasok sa Administrative Order 2 ang mga trabahante mula sa national government agencies, pampublikong pamantasan, government financial institutions, at mga kompanya at korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno.
Para mabasa ang bagong kautusan, puntahan lamang ang official website ng Palasyo.