Baguio, Philippines – Inindorso ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa Office of the Ombudsman ang kaso laban sa limang Mayor na mula sa Northern Luzon na pinagbibintangang absent o wala umano sa serbisyo habang nangyayari ang Bagyong Ompong na naganap noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ayon pa sa DILG ay ilan lang sa mga dahilan ng mga Mayor na nahaharap sa kaso ay sila ay nasa training workshop sa Baguio City, League Municipalities meeting sa Davao, National Economic Development Authority and Department of Agriculture Activity sa Maynila at mayroon ding nagsabi na meron daw silang meeting sa Malacanang.
Pero sabi ni DILG Assistant Secretary and Spokesperson Jonathan Malaya hindi naman daw required ang pag punta sa Malacanang dahil hindi naman daw ito direktiba.
Sa palagay nyo iDOL, maganda ba ang paliwanag ng mga butihing mayor?