Cauayan City, Isabela- Nagmistulang lawa ang itsura ngayon ng Lungsod ng Ilagan dahil sa nararanasang malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Lambak ng Cagayan.
Ayon sa ibinahaging datos ni City Mayor Jay Diaz, nasa mahigit 11,200 pamilya sa Lungsod ang apektado ng matinding pagbaha at inaasahan na madadagdagan pa ang bilang.
Mula kasi sa 91 na barangay sa Lungsod ay 64 dito ang naapektuhan at inabot ng baha kung saan ilan sa mga kabayahan ay nilamon ng tubig-baha at bubong na lamang ang nakikita.
Nagamit rin ang labing siyam (19) na mga evacuation centers sa Lungsod at patuloy pa rin ang pagdating ng mga bagong evacuees.
Daan-daang ektarya rin ng mais, palay at highvalue crops ang nasira dahil sa matinding pagbaha.
Sa panayam naman ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, kasalukuyan ang kanilang pamimigay ng mga ready to eat na pagkain at relief goods sa Poblacion Area at sa ibang mga evacuation centers.
Kanyang sinabi na hirap pang pasukin sa ngayon ang ibang mga barangay na binaha dahil sa mataas pa rin na tubig-baha.