Cotabato City, binulabog ng 2 pagsabog

Cotabato City – Dalawang pagsabog ang naganap sa Cotabato City, ilang oras bago ang halalan para sa plebisito ng ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa inisyal na imbestigasyon, sumabog ang isang hand grenade sa labas ng bahay ni Angelito Rasalan, MCTC judge ng Nuro Upi, Maguindanao sa Sta. Maria Streets Mother Barangay Rosary Heights alas-9:10 kagabi.

Batay sa salaysay ng mga saksi, dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa nasabing lugar.


Narekober naman sa lugar ang isang safety lever at isang pull ring ng MK2 fragmentation hand grenade.

Patuloy naman ang post-blast investigation ng explosive ordinance disposal team matapos ang insidente.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ano ang motibo ng mga ito.

Facebook Comments