Cotabato city nangangailangan ng 15,000 workers para sa itatayong airport at Seaport

Sampu hanggang labing limang libo katao ang kinakailangan trabahante kung sakaling maumpisahan na ang pagtatayo ng Cotabato city airport at ang expansion ng Cotabato City seaport, ito ang sinabi ni Mayor Atty.Frances Cyntia Guiani Sayadi matapos na nagsagawa muli ng On sight visitation ang mga Chinese investor na Shenzen China Engineering Construction Company nitong nakalipas na tatlong araw. Sinabi pa ni Mayor Guiani Sayadi, na maraming cotabatenyo ang magkakaroon ng trabaho sa sandaling umpisahan na ang dalawang malalaking Private Public Partnership project na gagawa ng malaking airport na posibleng magkakaroon na ng direktang flights sa ASEAN country o sa Middle east.

Facebook Comments