
Naghihintay pa rin ang Department of Justice (DOJ) ng court order para sa pagpapakansela ng passport ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ang nilinaw ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano ngayong nananatili si Atty. Roque sa The Netherlands sa kabila ng kaso niya sa Pilipinas na may kaugnayan sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Clavano, wala pang ipinag-uutos ang korte sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang kanselahin ang passport ni Roque.
Kaugnay nito, nilinaw ni Clavano na hindi kinontra ng naunang pahayag ng DOJ ang sinabi ng DFA na iisa lamang ang passport ng dating kalihim.
Nanindigan si Clavano na maaaring may iba pang passport si Roque na nakuha naman sa maling paraan.
Facebook Comments









