"COVID-19 cases sa City of Ilagan, Highly Alarming" – Mayor Diaz

Cauayan City, Isabela- Nakakaalarma na umano ang muling pagtaas ng mga positibo sa COVID-19 sa City of Ilagan, Isabela.
Sa kanyang official statement, sinabi ni Mayor Josemarie Diaz na tumaas ngayon ang average daily attack rate na 1.19% kung ikukumpara noong nakaraang linggo na .36% lang.
Ayon pa sa alkalde, mayroon ng 26 na active cases ang lungsod at maidadagdag pa sa bilang ang 119 positive cases na kasalukuyang hinihintay pa ang CV codes mula sa Department of Health (DOH).
Habang naitala naman ang 48 antigen positive case na isasailalim rin sa RT-PCR confirmatory test.
Sinabi pa ng opisyal na hindi na isa-isa ang mga nagkakahawaan ngayon kundi pami-pamilya na labis na nakakaalarma.
Samantala, inatasan na rin ni Diaz ang General Services Office na bumili ng 100 hospital bed capacity na siyang idadagdag sa City of Ilagan Medical Center para pansamantalang gawing isolation facility.
Ito ay dahil sa kaliwa’t kanan na ang punuan sa mga pagamutan dahil sa dami ng positibo sa virus.
Una nang isinailalim sa localized lockdown ang 27 barangay sa lungsod na may dumaraming bilang ng mga positibo.
Inaatasan rin ang mga opisyal ng barangay na hulihin ang mga lalabag sa kautusan at ang paghihigpit sa barangay checkpoint.
Paalala ng opisyal sa publiko na sundin ang minimum health standard para makaiwas sa COVID-19.

📸MyCityIlaganFb/screenshot

Facebook Comments