COVID-19 daily cases sa bansa, pinangangambahang pumalo sa 11,000 sa katapusan ng Hulyo

Pinangangambahang pumalo sa 11,000 ang COVID-19 daily cases sa buong bansa pagdating ng katapusan ng Hulyo.

Ito ang projection na nakikita ngayon ng Department of Health (DOH) makaraang naitala kahapon ang 3,389 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na pinakamataas sa nakalipas na limang buwan.

Ayon kay Health Office-in-Charge Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, patuloy rin kasi na tumataas ang positivity rate sa ilang rehiyon sa bansa, kabilang na ang Metro Manila.


Ito ay matapos sumirit sa 14.6% ang positivity rate o antas ng mga nagpopositibo sa Metro Manila nitong July 20, 2022 na limang beses na mas mataas sa itinakdang 5% ng World Health Organization upang masabing kontrolado ang pagkalat ng virus.

Bukod dito, sinabi rin ni Vergeire na nasa moderate risk na ang Average Daily Attack Rate  (ADAR) sa NCR matapos na umakyat na sa 6.25 ang bilang ng mga indibiduwal na nagpo-positibo sa virus sa kada 100,000 katao.

Facebook Comments