VP Sara Duterte, sa hindi magsusuot ng Filipiniana sa SONA ni PBBM sa Lunes

72

Lilihis sa nakagawiang Filipiniana, si Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte sa susuot sa pagdalo sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Sa halip, magsusuot ang pangalawang pangulo ng tradisyunal na damit na gawa ng tribung Bagobo Tagbawa ng Davao City.

Paliwanag ni Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, hindi na aabutin ng SONA kung magpapagawa pa ang pangalawang pangulo ng nasabing kasuotan lalo’t aabutin aniya ng buwan bago ito magawa.


Kaya naman minabuti aniya ni VP Sara na manghiram na lang ng katutubong kasuotan sa Deputy Mayor ng tribung Tagbawa na si Bae Sheirelle Anino.

Ang hakbang din aniya ni VP Sara ay bilang pagbibigay pugay nito sa naturang tribu na itinuturing na pangkat etniko ng kaniyang sinilangang bayan.

Facebook Comments