Cauayan City, Isabela- Tatagal hanggang July 16 ang ipinatupad na lockdown sa Barangay San Fernando sa Bayan ng Alicia matapos magpositibo sa coronavirus ang isang Locally Stranded Individuals mula sa San Pablo, Laguna.
Ayon kay Mayor Joel Alejandro, agad namang isinailalim sa barangay isolation facility ang nasabing LSI subalit pagkaraan ng 14-days quarantine nito ay sinubukan pa na magpainom sa kanyang mga kapitbahay at kalaunan ay lumabas ang resulta.
Aniya, biglang umuwi ang nasabing pasyente dahil sa kawalan ng pagsasailalim nito sa rapid test sa kadahilanang wala ang mga health authorities ng mangyari ito kaya’t hindi ito nasuri.
Pagkalipas ng ilang araw, isinailalim sa rapid test ang pasyente at nagpositibo ito hanggang sa nagdesisyon na isailalim ito sa swabbing na nagkaroong ng positibong resulta sa virus.
Inaalam naman ng Lokal na Pamahalaan ng Alicia kung may pananagutan ang pasyente ngayong natapos nito ang 14-days quarantine.
Tiniyak naman ng opisyal na magtutuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng ayuda sa mga residente sa lugar sa kabila ng pagdedeklara ng lockdown.
Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.