COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba sa 1.38 – OCTA Research

Bumaba na sa 1.38 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ito ang kinumpirma ni Professor Guido David ng OCTA Research Team sa kabila ng patuloy na mataas na bilang ng mga naitatalang COVID-19 cases kada araw.

Nangunguna sa may pinakamataas na ADAR o Average Daily Attack Rate ng COVID-19 ang bayan ng Pateros na nasa 80.92.


Batay rin sa datos mula Setyembre 3 hanggang kahapon, Setyembre 9 ay nasa 5,550 ang average na daily COVID-19 cases sa Metro Manila.

Sa ngayon, nananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR hanggang Setyembre 16.

Facebook Comments