COVID-19 status, hindi kailangang baguhin sa kabila ng deklarasyon ng WHO – PBBM

Walang kailangang baguhin sa COVID-19 health status ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos na alisin na ng World Health Organization ang covid-19 global health emergency.

Katunayan, ayon sa pangulo, balik-normal na sitwasyon sa bansa.


Sa susunod na linggo, isusumite ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa opisina ng pangulo ang mga rekomendasyon nito kasunod ng naging deklarasyon ng WHO.

Nagpaalala naman ang Department of Health sa publiko na patuloy na mag-ingat laban sa virus dahil ang deklarasyon ng WHO ay hindi nangangahulungang tapos na ang pandemya.

Facebook Comments