Easterlies, magdadala ng ulan sa Caraga at Davao Region

Magkararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang Caraga at Davao Region dahil sa umiiral na easterlies.

Babala ng PAGASA, posibleng magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sakaling may kalakasan ang mga pag-ulan.

Samantala, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Asahan din ang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorm.

Facebook Comments