COVID cases sa bansa, mahigit 319,000 na; DFA, walang naitalang Pinoy na panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID

77

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na ang COVID-19 cases sa bansa sa 319,330.

Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 2,674 na kaso.

58,606 naman ang active cases sa ngayon.

459 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries ngayon ay 255,046.

62 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 5,678.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino na panibagong binawian ng buhay sa ibayong dagat.

Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 793.




5 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 10,549.

3,006 naman ang active cases sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Isa naman ang nakarecover kaya ang total recoveries ngayon ay 6,750.

Facebook Comments