Crackdown sa mga illegal sidewalk vendor inilunsad

Nilinis kahapon ng City PNP at City Engineering Office ang mga illegal sidewalk vendor sa downtown area kung saan naging malinis na tignan ang sentro ng siyudad makaraang matanggal ang mga illegal structure sa gilid ng kalsada.
Pinangunahan ni PP1 Deputy station commander PSI Romel Canto, ang pag-iikot sa Don Rufino Alonzo street, sa Japal Guiani Sr.St.Pantalan area at sa fruitstand area. Sinira at sinakay sa dumptruck ang mga stall ng illegal vendors.
Noong nakalipas na disyembre ay pinayagan ang mga sidewalk vendor na magtinda sa sidewalk dahil Yuletide season, subalit ngayon tapos na ang christmas ay pinapaalis na sila sa area ngunit karamihan ay nagmatigas na umalis kung kayat ginawa ang clearing operation. Itoy magtuloy tuloy na hanggang mawala ang sagabal sa sidewalk.

Facebook Comments