Crime rate sa buong bansa bumaba ng 13.96%; focus crimes bumaba rin ng 14.01%, ayon sa PNP

Crime rate sa buong bansa bumaba ng 13.96%; focus crimes bumaba rin ng 14.01%, ayon sa PNP

Mula sa tatlong buwang ulat ng Philippine National Police (PNP), bumaba ng 13.96% ang crime rate sa buong bansa.

Batay sa inilabas na datos ng ahensya, mula sa mahigit 6,000 kasong naitala mula July hanggang August 25 ay naging mahigit 5,000 kaso na lamang mula August 26 hanggang October 30.

Samantala, ang focus crimes gaya ng murder, homicide, rape, physical injury, carnapping, at theft ay bumaba ng 14.01%.

Mula sa mahigit 6,000 kaso ay naging mahigit 5,000 kaso na lamang ang naitala sa parehong mga buwan.

Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang lahat ng tagumpay na ito ay bahagi ng PNP Focus Agenda.

Layon nito ang pag-iigting sa wastong paggamit ng mga yaman ng organisasyon, pagsusulong sa kapakanan at moral ng kapulisan, at pagpapatibay ng operasyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pulisya.

Facebook Comments