Bagaman nananatiling coronavirus-free ang Santo Tomas, Davao del Norte, mahigpit na ipinatutupad dito ang curfew, na may kaakibat na kakaibang parusa.
Makikita sa Facebook post ng munisipalidad na mistulang may pinaglalamayan ang mga nahuling violator noong Linggo matapos silang pauupuin sa harap ng kabaong.
Pinadasal habang nagbabantay ng bakanteng kabaong sa covered court ang mga dinampot na nasa wastong gulang na at nasa ilalim din umano ng impluwensya ng alak.
“Everyone is afraid of dying. Hence this strategy is a stark reminder that death is just on the brink if the public will not cooperate with the protocols and measures that we implement,” pahayag ni Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud.
Sa hiwalay na post, sinabi ng pamahalaang lokal na bukod sa naturang parusa ay mahaharap din sa kasong kriminal ang mga mahuhuling lumalabag.