Senator Antonio Trillanes, naniniwalang sangkot si Faeldon sa naipuslit na 6.4 billion pesos na shabu

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Antionio Trillanes ang may kinalaman si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa pagpasok ng 6.4 billion pesos na shabu sa Pilipinas mula China.

Ayon kay Trillanes – kasabwat si Faeldon sa nasabing anomalya.

Hindi na idinetalye ng senador ang eksaktong papel umano ni Faeldon.


Pero kung iisipin aniya, hindi nakakalusot ang bilyong pisong halaga ng droga kung wala itong proteksyon.

Tugon naman ni Faeldon – handa siyang mamatay para protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong tulad ni Trillanes.

Facebook Comments