Cauayan City, Isabela- Iginiit ng pinuno ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Chief na punong-puno na ang kanilang COVID-19 ward at kinakaya na lamang sa kasalukuyan.
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, pinuno ng CVMC, ito ay dahil sa patuloy na pagkakatala ng mga bagong positibong kaso na dinadala sa ospital na ikinababahala ngayon ng pagamutan.
Maging ang kanilang bagong bukas na 25 beds ay agad din napuno dahil sa dami ng COVID-19 cases.
Ibinahagi ng duktor na umabot muli sa bilang na 125 ang active cases na kasalukuyang naka-admit sa CVMC sa Tuguegarao City.
Maliban pa ito sa karagdagang 37 suspected cases na kanila rin inaasikaso.
Patuloy naman na nakikiusap si Dr. Baggao sa mamamayan na patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na protocols ng Inter-Agency Task Force at mga local na pamahalaan upang maiwasan ang hawaan sa Covid-19 virus.