Dumipensa ang Department of Agriculture (DA) sa isyu ng extortion laban sa ilang opisyal ng ahensya.
Lumutang ang naturang isyu sa pagdinig ng Food and Agriculture Committee sa Kamara kaugnay sa mga proseso ng mga regulatory agencies upang labanan ang smuggling.
Lumabas sa pagdinig na ang ilang opisyal ng DA ay inaakusahan ng extortion o pangingikil ng isang importing entity na consumers cooperative.
Matapos lumabas ang isyu, agad na nag-usisa si Agriculture Secretary William Dar sa Bureau of Plant Industry-Quarantine Office at dito niya napag-alaman na matagal na pa lang naimbestigahan ang naturang kaso.
Batay sa statement ng DA, ang extortion complaint ng Cambridge laban kay Jesusa Ascutia ng BPI Quarantine Office ay matagal nang na-dismiss ng Manila Prosecutor’s Office dahil sa kawalan ng ebidensya.
Nag-ugat ang kaso sa ginawang paghuli ni Ascutia sa shipment ng Cambridge partikular ng dalawang container vans ng mga gulay na lumilitaw na misdeclared.
Iginiit naman ni Dar na hindi niya kukunsitihin ang mga katiwalian sa DA.