DA, hinikayat ang mga ahensya ng gobyerno na bigyan ang mga empleyado nito ng bigas bilang bahagi ng Christmas Bonus

Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga ahensya ng gobyerno na bumili ng Bigas para sa mga magsasaka at ibigay ito sa kanilang mga empleyado bilang bahagi ng kanilang Bonus ngayong Pasko.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, ang pagbibigay ng Bigas bilang bahagi ng Christmas Bonus ay hindi lang magpapasaya sa mga kawani ng gobyerno, kundi maging sa mga magsasaka.

Pwede aniya silang bumili ng Bigas mula sa National Food Authority (NFA) o mula sa mga lokal na pamahalaan na direktang bumibili ng bigas sa mga magsasaka.


Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA) na itaas ang Emergency Buffer Stock ng bansa sa 30 araw mula sa dating 15 araw sa pamamagitan ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka.

Binigyan din ng direktiba ng Pangulo ang NFA na ibenta ang halos 20,000 bag ng Bigas kada araw.

Facebook Comments