DA, kinalma ang publiko sa gitna ng ASF scare

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba publiko sa karneng baboy.

Ito’y matapos ang serye ng pagkakaharang sa mga checkpoint ng mga baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF).

May ilan kasing nangangamba na baka nasa mga pamilihan na ang mga may sakit na baboy


Tiniyak ni Agriculture Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ginagawa nila ang lahat para masigurong ASF free ang mga karneng baboy sa merkado.

Bukod aniya sa mga checkpoint ay kumikilos ang mga attached agency ng ahensya para masigurong hindi makalulusot sa pamilihan ang mga baboy na may ASF

Pinayuhan ni Asec. De Mesa ang mga mamimili na suriin kung may tatak ng NMIS ang bibilhing karne upang makasigurong ligtas ang mga ito upang makonsumo.

Facebook Comments