DA, kumpiyansang makakamit ang agri-prospects nito sa huling quarter ng taon sa kabila ng COVID-19 pandemic

iwala ang Department of Agriculture (DA) na makakamit nito ang target na 2% na paglago sa produksyon ng agriculture at fishery sector bago magsara ang taong 2020.

Kasunod ito ng ipinakitang katatagan ng agriculture sector na nakapagtala ng 1.6% growth sa second quarter ng taon, sa kabila ng paghina ng mga industries at economic sectors dahil sa mga lockdown.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na sa nalalabing dalawang hati ng taon, ibubuhos nila ang kanilang resources sa pagpapalago ng produksyon sa key sub-sectors upang maitala ang full-year two-percent growth target.


Aniya, makamit ito sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Unit (LGU) ang mga partner institutions at mga samahan ng mga magsasaka at mangingisda.

Humihingi ang DA ng P86.3 billion na budget para sa susunod na taon kung saan ito ay 8% na mataas kumpara sa budget nito ngayong 2020 na P79.9 billion.

Ayon kay Dar, makakatulong ang dagdag na pondo upang palakasin ang mga program implementation at makapagkaloob ng suporta sa mga magsasaka at mangngisda sa ilalim ng ‘new normal’.

Facebook Comments