May ginagawa na ang Department of Agriculture (DA) upang matukoy ang nasa likod ng pagmamanipula ng presyo ng panindang karneng baboy.
Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan na minamatyagan nila ngayon ang mga nagtitingi ng karneng baboy.
Sa ngayon ay madaling matukoy ang mga ito dahil sila ang nagpipilit na magtinda sa presyong ₱400 per kilo.
Ani Cayanan, hindi na uubra ang ganitong presyo dahil ₱144 lang ang farmgate price at mayroon pang ₱21 na transportation assistance.
Sa pag-iikot ng DA sa mga public market sa Quezon City, Lungsod ng Maynila, Pasay at Makati, nasa ₱270 per kilo ang kasim habang ₱300 per kilo naman ang liempo.
Facebook Comments