Manila, Philippines – Simula sa Marso 18, 2019, gagawin nang walong digits ang mga landline number na sakop ang area code na 02.
Kabilang sa maapektuhan nito ang Metro Manila, Rizal, San Pedro, Laguna at Bacoor, Cavite.
Paliwanag ni National Telecommunication Commission o NTC Deputy Commissioner Ed Cabarios, ang kasalukuyang phone number ay dadagdagan lang ng identifier o isang numero sa unahan na dedepende sa kanilang telephone company.
Ayon kay Cabarios, napapanahon na ito lalo at kulang na ang mga kasalukuyang landline number dahil sa pagdami ng mobile landline.
Wala rin aniyang dagdag gastos sa mga subscriber.
Pero aminado ang NTC na maaaring magkaroon ng pagsuok sa pagpapalaganap ng bagong sistema.
Facebook Comments