SELF-ACCIDENT | Truck – tumagilid sa Sucat exit ng SLEX

Manila, Philippines – Tumagilid ang isang truck malapit sa Sucat exit ng South Luzon Expressway.

Nagyari ang aksidente sa southbound lane ng highway bago mag-alas 10 kaninang umaga.

Ligtas naman ang driver ng truck at wala ring nadamay sa naturang “self-accident”.


Gayunman, nagdulot ito ng kaunting traffic dahil inokupahan ng truck ang dalawang lane ng kalsada.

Samantala… 3:10 kaninang hapon nang bumigat din ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Meycauayan southbound dahil sa aksidente.

Facebook Comments