DAGDAG-SINGIL | Mga kumpanya ng langis, ipatutupad ang oil price adjustment ngayong araw

Manila, Philippines – Sasalubong sa mga motorista ngayong araw ang muling pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

Nasa P1.10 ang imamahal ng kada litro ng gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel habang nasa 95 sentimo ang iaakyat ng halaga ng kada litro ng kerosene.

Alas-6:00 ng umaga, ipatutupad ito ng Caltex, Flying V, Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil.


Ang oil price adjustment ay resulta ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments