Thursday, March 12, 2026

DAGUPAN CITY, MAGSISILBING HOST NG 2026 SPORTS SCIENCE AND HIGH PERFORMANCE CONFERENCE

Magtitipon sa Dagupan City ang mga atleta, coach, trainer, at sports enthusiasts para sa 2026 Dagupan Sports Science and High Performance Conference na may temang “Performance Beyond Talent.”, ngayong araw hanggang bukas Marso 13.

Layunin nitong pagsamahin ang mga kalahok mula sa iba’t ibang larangan ng sports upang palalimin ang kanilang kaalaman tungkol sa modernong pamamaraan sa pagpapahusay ng performance ng mga atleta.

Tampok sa pagtitipon ang mga talakayan tungkol sa sports science, tamang kondisyon at paghahanda ng katawan ng atleta, nutrisyon, pag-iwas sa injury, at high performance training. Layunin ng aktibidad na ipakita kung paano nakatutulong ang siyentipikong pamamaraan at sistematikong paghahanda upang mapabuti ang kakayahan at resulta ng mga atleta sa kompetisyon.

Inaasahan ding makakuha ng mahahalagang kaalaman ang mga kalahok mula sa mga eksperto at practitioner sa larangan ng sports performance, kabilang ang kahalagahan ng disiplina, data-driven training, at holistic athlete development.

Sa pamamagitan ng naturang kumperensiya, patuloy na isinusulong ang pagpapalakas ng sports education at athletic performance programs sa lungsod, gayundin ang paghahanda ng mga atleta para sa mas mataas na antas ng kompetisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments