Dahil sa illegal logging, dalawa arestado

Nabas, Aklan – Arestado ang dalawang kalalakihan dahil sa illegal logging sa bayan ng Nabas, Aklan.
Ang mga nahuli ay kinilalang sina Gorteo Zarandin Jr., 46-anyos ng Brgy. Rizal at Eufracio Garcia Jr., 47-anyos, ng Brgy. Tagaroroc sa nasabing bayan.
Base sa report ng Nabas PNP na meron silang natanggap na impormasyon galing sa isang concerned citizen na ang dalawa ay nagsagawa ng illegal logging sa Brgy. Tagroroc at ibiniyahe ito papuntang Union sakay sa isang top-down tricycle.
Sa pagresponde ng mga kapulisan ay intercept ang mga ito sa Brgy. Unidos kung saan nakompiska ang humigit kumulang 398 board feet ng lumber.
Sa ngayon ang mga nakumpiskang kahoy ay nasa kustodiya na ng Nabas PNP pati na rin ang mga nahuli at posible mahaharap sa kaso ang mga ito.

Facebook Comments