Dahil sa maling pagtatapon ng basura, 2 lalaki sa Pangasinan sinaksak

86

Nauwi sa saksakan ang maling pagtatapon ng basura ng dalawang kalalakihan sa isang establisyimento sa Sison Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng otoridad, itinapon umano sa harapan ng isang establisyimento ang basura na dala ni Arnold Manguray at Angelo Hidalgo.
Pinakiusapan umano ang mga ito ng gwardya na kinilalang si Robert Esquero at ng isa pang Janitor na huwag itapon ang kanilang basura sa harap ng naturang establisyimento.
Ngunit imbes na sumunod ang 2 kalalakihan ditto na nagkaroon g pagtatalo.
Dahil dito kumuha ng kutsilyo si Esquero at pinagsasaksak si Manguray at Hidalgo. Gumanti naman si Manguray at tinambangan si Esquero at pinagpapalo ng tubo.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Sison sa naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers