Malay, Aklan — Tatlong Pinoy at isang dayuhan ang inaresto ng mga taga National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ng hapon Setyembre 21, dahil sa pagtatayo nila ng property sa mga itinuturing na forestland sa isla ng Boracay. Ang mga inaresto ay kinilalang sina Dhelmar Evangelo, 29-anyos at Gerald Alapag, 29-anyos, parehong taga Brgy. Yapak; Mark Bernard Alcantara, 42-anyos at Ludwig August Borchers, 69-anyos na parehong taga Brgy. Balabag sa nasabing isla. Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa P.D. 705 “Revised Forestry Code of the Philippines”. Matatandaan na 10 indibidwal na kinabibilangan ng 4 na dayuhan at 6 na Pinoy ang inaresto rin ng mga taga NBI noong Nobyembre 2020 dahil rin sa paglabag sa National Forestry at Environmental laws.
Dahil sa pagpapatayo ng property sa itinuturing na forestland ng Boracay, 3 Pinoy at 1 dayuhan ang inaresto ng NBI
Facebook Comments