DAHIL SA PAMBU-BULLY | Pamilya ng 12-anyos na lalaki, inireklamo ng pamilya ng walong taong-gulang na bata

Manila, Philippines – Inireklamo ng psychological abuse ang tatlong miyembro ng pamilya ng 12-anyos na lalaki dahil sa pambu-bully sa walong taong gulang na bata sa Maynila.

Base sa CCTV footage naglalakad lang ang bata nang bigla siyang atakihin at pagsusuntukin ng 12-anyos na estudyante.

Dalawang bata na kasama ng suspek ang umawat at hinila ang 12-anyos na lalaki palayo sa biktima.


Agad namang nagreklamo ang lola ng biktima sa Manila Police District – Women And Children’s Desk dahil sa tinanong sugat ng kanyang apo.

Kwento ng bata, inaway daw siya ng 12-anyos na lalaki dahil sa pera.

Kinasuhan na ang pamilya ng 12-anyos na suspek ng paglabag sa R.A. 7610 o “Law Against Child Abuse”.

Facebook Comments