Kalibo, Aklan — Pansamantala munang sinuspende ang biyahe ng mga eroplano sa Kalibo International Airport (KIA) simula ngayong araw hanggang sa April 11, 2021. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at base sa napagkasunduan sa meeting ng Inter Agency Task Force (IATF). Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr., na patuloy aniya ang ibang operasyon sa nasabing paliparan para sa mga paper works. Ang tanging papayagan lamang nilang lumapag sa Kalibo International Airport ay ang mga eroplanong may dalang mga goods, cargo flights at mga essential travel kagaya ng medical purposes.
Facebook Comments