DAHIL SA SUSPENSION SA PAGPAPAUWI NG MGA LSI’s MGA AIRLINE COMPANIES SA AKLAN NAG CANCEL NG FLIGHTS

Kalibo, Aklan – Hindi pa nga nag uumpisa ang domestic flights ng eroplano ng mga airline companies sa Kalibo International Airport, kaagad nagkansela sila ng biyahe.
Ito ang kinumpirma ni KIA general manager Engineer Eusebio Monserate Jr. ang cancellation of flights aniya ay epekto ng advisory ng Department of Interior Local Government DILG Region 6 na pinapatigil muna sa loob ng 2 linggo ang pagpapauwi sa mga locally stranded individuals LSI’s habang isinasaayos pa ang mas magandang sistema sa pagbabalik probinsiya nila dahil sa marami ang nagpopositibo sa Corona Virus Disease o COVID – 19 sa mga ito.
Ngayong araw sana ang pagbalik biyahe ng domestic flights sa Aklan pero ayon kay Engr. Monserate nakatanggap umano sila ng advisory mula sa Philippine Airlines at Cebu Pacific na nagcancel na ang mga ito ng flights at itutuloy na lang ang biyahe sa July 11 at July 10, 2020. Habang hinihintay pa aniya nila ang advisory naman mula sa Air Asia kung itutuloy ba o magkakansel din sila ng kanilang mga flights.

Facebook Comments