Dahil sa tanim na sitaw, mag manugang nag-away, tatay patay

16
Ibajay, Aklan – Patay ang tatay matapos na mag-away sila ng kanyang manugang kahapon ng hapon sa Purok 2, Brgy. Monlaque, Ibajay, Aklan. Ang namatay ay kinilalang si Orlando Pines, 70-anyos habang ang manugang nito ay nakilalang si Jury Batoy, 35-anyos parehong residente ng nasabing lugar. Ayon kay PCpl. Harold Canja, imbestigador ng Ibajay PNP na nakatanggap sila ng tawag mula sa hospital na merong nangyaring shooting incident sa lugar at agad sila nagsagawa ng follow up sa lugar at kanilang nadatnan si Orlando na nakahandusay at wala ng bihay na nasa tabi nito ang itak (bolo) at isang homemade shotgun. Sa kanilang inisyal na imbestigasyon lumalabas na nag ugat ang away ng dalawa dahil sa binunot ni Orlando ang tanim na sitaw ng kanyang manugang. Nagpablotter sa barangay ang manugang niya ang live-in partner nito at nagkaroon ng settlement. Habang papauwi na ang mga ito ay umuna si Orlando at tinambangan saka binaril si Jury dahilan ng pagkawasak ng bunganga nito. Gumanti naman si Jury at binaril si Orlando na tinamaan sa dibdib na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Ibajay PNP laban kay Jury at naaresto ito at dinala sa hospital na sa ngayon ay naka hospital arrest. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ibajay PNP sa nasabing insidente.
Facebook Comments