Dalaga sa Cam Norte, Nakipaghiwalay sa BF, Sinakal Hanggang…

Isang dalaga ang natagpuang wala ng buhay sa makahoy na barangay ng bayan ng Jose Panganiban sa probinsiya ng Camarines Norte.
Ayon sa investigation report ng pulisya, kinilala ang biktima na si Jessica Casim, edad 21 mula sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.
Sa otopsiyang isinagawa sa katawan ng biktima, napag-alaman na siya ay binugbog ng todo pagkatapos ay sinakal hanggang malagutan ng hininga.
Na-identify at naaresto naman kaagad ng otoridad ang suspect na kinilalang si Gilbert San Juan, residente ng bayan ng Labo, Camarines Norte.
Magkasinatahan ang biktima at ang suspect.
Sa pinalalim pang imbistigasyon ng pulisya, napag-alaman na nakikipag-break na umano ang babae sa kanilang relasyon. Hindi umano kayang tanggapin ng binata ang pakikipaghiwalay sa kanya ng dalaga. Nagdilim ang isipan ng suspect, binugbog niya ang dalaga at sinakal hanggang malagutan ng hininga.
Pagkatapos ng krimen, tinapon niya ang wala ng buhay na katawan ng dalaga sa makahoy na barangay ng bayan ng Jose Panganiban.
Kasalukuyang nakakulong ang suspect at nahaharap sa kasong murder.

Facebook Comments