Isang pedicab driver na binaril ng isang helper, ligtas na

133

Manila, Philippines – Ligtas na sa panganib sa pagamutan ang isang pedicab driver matapos na pagbabarilin ng isang helper sa NIA Road kanto ng East Avenue Brgy. Pinyahan Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Gaviola 32 anyos residente ng NIA Road Brgy. Pinyahan QC.


Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Edawrd Rimando ng Station 10 ng QCPD dumadalo lamang sa isang burol ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek na si Conrado Aliedo 39 anyos at walang kaabog abog na pinagbabaril sa likurang balikat pagkatapos ay mabilis na tumakas ng hindi pa malamang direksyon habang si Gaviola ay agad na isinugod sa East Avenue Medical Center at patuloy na ginagamot sa naturang pagamutan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si Niedo na sinasabing mayroong dating alitan ang motibo ng pamamaril sa biktimang si Gaviola.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments