𝗔𝗥𝗠𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢

Arestado ang 32 anyos na mekaniko mula Brgy. Payas, Sta. Barbara matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng San Jacinto.

Nakumpiska sa pagmamay-ari nito ang 0.15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang libo at isang caliber 22 revolver maging live ammunitions para dito. Walang naipakitang kaukulang dokumento ng baril ang suspek.

Haharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 at kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments