Dalawa katao biktima ng pananaksak,mga suspect nahuli rin

Sugatan ang isang 50 anyos na lalaki matapos itong mabiktima ng pananaksak kamakalawa ng gabi sa block 10 barangay NotreDame Village RH-10..Kinilala ang biktima nasi Wilfredo Castrodes na nagtamo ng saksak sa kanang kamay, habang kinilala naman nito ang suspect nasi Edilberto BugasCabo. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, nag iinuman umano ang dalawa sa lugar at nang malasing na ng agua de pataranta ay nagtalo na silang dalawa hanggang sa saksakin ng suspect ang biktima..Matapos ang insedente ay mabilis naman tumakas ang suspect habang kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima.Ngunit dahil sa maagap na pagrespondende ng mgatanods ng RH-8 ay mabilis na nahuli ang suspect at narecover ang kutsilyong ginamit…Nakapiit na ang suspect sa PP2. Samantala Kalaboso din sa PP2 ang isang 21 anyos na carwash boy matapos nitong saksakin din ang kanyang kasamahan carwash boy kamakalawa ng gabi sa loob ng isang carwash Spa sa barangay RH-13. Kinilala ang biktima nasi Julius Paraman 18 anyos na resident eng Kusiong DOS Maguindanao habang kinilala naman ang suspect nasi Banjomar Segundo Daramba na nakatira sa Tapian. Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa kaliwang pulso na naisugod naman sa CRMC samantala matagumpay namang nahuli ng mga pulis ang suspect..Nagtalo daw ang dalawa hanggang sa nagalet ang suspect at inundayan nito ng sasksak ang biktima.

Facebook Comments