Dalawa lalaki pinagbabaril sa Daraga, Albay – patay

Albay, Philippines – Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Lumangcaya alyas Antonio at Intoy Malaga y Macalinsag na nakatira sa Brgy. San Roque, Daraga, Albay.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, bigla na lamang pumasok ang isang lalaki na naka-helmet at naka-itim na jacket sa bahay ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito.


Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril pero napag-alaman na ang biktima ay dati nang sumuko sa oplan tokhang at may nakabinbin pang kaso ng theft o robbery.

DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments