Dalawa patay, dalawa sugatan sa karambola ng sasakyan sa North Bound Lane ng NLEX

228

Manila, Philippines – Dalawa ang patay at dalawa ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa North Bound Lane ng NLEX malapit sa san Simon Exit.

Damay sa karambola ang isang closed van, dump truck, pampasaherong bus, truck ng nlex, at isang itim na suv na siyang sinasakyan ng mga nasawing biktima.


Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang namatay na sakay ng suv na sumalpok sa truck ng NLEX na nakatigil sa innermost lane at tumalsik ang lahat ng laman pati na ang mga sakay nito.

Isa sa mga nasugatan ay pasahero rin ng naturang SUV samantalang nagkaroon minor injury ang driver nang closed van na si Roderick Salazar habang wala naman nasugatan na mga pasahero ng bus na minamaneho ni Nestor Juan.

Napag-alaman na kulang ang early warning device ng trak ng NLEX na minamaneho ni Rodlfo Labar na gumagawa sa Center Island.
DZXL558

Facebook Comments