DALAWA SA SUSPEK SA PAGPATAY KAY BM HERNANDEZ NG ISABELA, DATING BODY GUARD NG POLITIKO AYON SA KANYANG ASAWA!

*CAUAYAN CITY* – Dalawa sa tatlong suspek na sinampahan ng kasong pagpatay kay dating Isabela Board Member Napoleon “Nap” Hernandez ay dating body guard ng politiko.

Ito ay ayon sa abogado ng asawa ng dating Board Member na si Ginang Placida Hernandez. Namukhaan umano ni Ginang Hernandez ang dalawa dahil magkasama silang mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan at nag-uusap nang barilin si dating SP Member Nap Hernandez ng riding-in-tandem criminal noong gabi ng July 1, 2019.

Magugunitang galing ang mag-asawa sa oath-taking ni Mayor Greg Pua at mga nahalal na kasapi ng Sangguniang Bayan ng San Mateo at pauwi na nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng daan sa Dagupan, sa nabanggit na bayan.


Tatlong itinuturing na pangunahing suspek ang sinampahan na ngayon ng kasong murder sa Prosecutor’s Office.Batay sa pagpapahayag ni Mayor Pua ng San Mateo, Isabel,a sinabi niya na ang nagsampa ng kaso sa piskalya laban sa 3 suspek ay ang binuong special task group na tumututok sa kaso ng pagpatay kay Hernandez.

Si Hernandez ay ang bagong Municipal Administrator ng San Mateo, Isabela noong siya ay binaril at napatay.

Facebook Comments