Dalawang Babae mula Isabela, Arestado sa Pagbebenta ng Droga sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang babae na tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa kahabaan ng Macapagal Avenue Corner Siniguelas St. Tanza Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang mga nahuli na parehong residente ng Cauayan City, Isabela na sina alyas “Alice”, 33 taong gulang, walang asawa at alyas ”Jelly”, 41 taong gulang, at parehong may-asawa.

Nagsabwatan ang dalawang suspek sa pagbebenta ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “Shabu” sa isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ng Php4,000 na binubuo ng isang tunay na one-thousand-peso bill at tatlong pirasong one-thousand boodle money.

Dito na tuluyang dinakip ang dalawang Ginang matapos kumagat sa inilatag na operasyon ng mga awtoridad.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni alyas Alice ang 21 pang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng parehong sangkap at tinatayang nasa humigit kumulang PHP31,500.00 SDP, isang keypad cellphone at ang ginamit na buy bust money.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station ang mga suspek na parehong mahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments